Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

Hesus

HESUS

 

Alam ba ninyo na obligado para sa mga muslim na maniwala kay Hesus, o na isang talaan ng pamumuhay ni Hesus at ng kanyang mga aral ay matatagpuan at naingatan sa Qur’an  at maging sa mga kawikaan ni Muhammad, at gayundin sa mga tradisyon na naingatan ng mga pamayanang Muslim sa nakalipas na mga siglo?

 

Ang mga  Kristiyano na nagsilaki sa Kanluran ay malimit na nabibigla na matuklasang ang mga Muslim ay pamilyar sa buhay at mga aral ni Hesus sa pamamagitan ng mga aral at mga kasulatan ng Islam, habang sila mismo sa kanilang mga sarili sa simbahan ay tila walang kaalam-alam na anumang bagay tungkol kay Propeta Muhammad  . Ito ay bahagi ng isang paksa tungkol sa kasaysayan: Pinag-uugnay ng Islam ang Hudeo-Kristiyanong Tradisyon at yumayakap kay Hesus  kung paanong pinag-uugnay din ng Kristiyanismo ang Luma at Bagong Tipan at yumayakap kay Moises (sumakanila ang kapayapaan). Tinutunton ng tatlong relihiyon na ito ang kanilang pinagmulan kay Abraham, at salungat sa maaaring asahan ninuman, ang Quran at Bibliya ay magkasalo at nananangan sa maraming magkakatulad na mga paniniwala, mga kaugalian, at moralidad – mula sa paniniwala sa Diyos,sa mga Anghel at sa Araw ng Paghuhukom, sa mga moral ng pagdarasal, Pagkakawanggawa at Pag-aayuno, sa kahalagahan ng pagiging makatotohanan, pagkamatiyaga, at pagmamahal. Magkasama, ang Kristiyanismo at Islam ay makikilala sa mga paniniwala ng mahigit na kalahati ng populasyon ng daigdig, kaysa sa pagiging ideolohikal na sumasalungat na katulad ng maaaring maisip ng mga tao, sila sa maraming mga pamamaraan ay ang mga kilalang relihiyon sa daigdig na pinakamalapit sa isa’t-isa. 

  

ANG MGA UNANG  MUSLIM AY NAPAGKALOOBAN NG PROTEKSYON SA ABYSSINIA

 

Ang likas na karaniwang sani na ito ay ang isa sa mga dahilan ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan, kung bakit pinayuhan niya ang mga mahihina at mga dukha sa kanyang mga unang tagasunod na sila ay humiling ng kanlungan sa mga Kristiyano ng Abyssinia (ang kasalukuyang Ethiopia) upang takasan ang paniniil ng mga mapagtambal sa Diyos na mga Tribong Arabo, bago maitatag ang Islam sa Arabia. Ang isang salaysay tungkol sa kanilang mga naranasan ay naitala ng mga Mananalaysay na mga Muslim, at ito ang bumihag sa puso ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang pananampalataya (Islam at Kristiyanismo). Nang tugisin ng mga mapangwasak na mga pinuno ng Makkah ang mga Muslim hanggang sa makarating ng Africa at kanilang hilingin sa Negus na sila (mga Muslim) ay ibalik, ang pinuno ng Abyssinia ay nanawagan sa maliit na pamayanan ng mga Muslim na sila ay magtipon sa kanyang harap, at siya ay nagtanong: “Anong relihiyon ba ang sanhi na kayo ay napahiwalay sa inyong angkan, gayunman ay hindi naman ninyo niyakap ang aking relihiyon ni ng ibang mga tao na nakapalibot sa atin?

 

Ang kanilang (mga Muslim) tapagsalita na si Ja’far, nakababatang pinsa ni Muhammad, ay tumugon, ‘ O Mahal na Hari, kami ay mga angkan na nalugmok sa kamangmangan, sumasamba sa mga idolo, kumakain ng mga karne na hindi kinatay, gumagawa ng mga karumal-dumal, at ang kinakain ng mga malalakas na kabilang sa amin ang mga mahihina.  Ganito ang kalagayan hanggang sa ang Diyos ay nagsugo sa gitna namin ng isang Mensahero na ang angkan ay kilalang-kilala naming, at ang katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan at integridad ay bantog.

 

‘ Inanyayahan niya kami patungo sa Diyos na nararapat naming saksihan at ipahayag ng ganap ang Kanyang  Kaisahan, at sumamba tanging sa Kanya lamang, at talikdan ang anumang sinamba naming at ng aming mga ninuno sa pamamagitan ng mga bato at mga idolo; at inutusan niya kami na mangusap ng matapat at makatotohanan, na aming tuparin ang aming mga pangako, na igalang naming at panatiliin ang bigkis ng pagkakamag-anakan at ang mga karaparan ng aming mga kapitbahay, at umiwas sa paggawa ng mga krimen at pagdanak ng dugo. Kung kaya sumamba kami tanging sa Diyos lamang, hindi kami nagtambal ng anuman sa Kanya, itinuring naming bawal ang anumang Kanyang ipinagbawal at hindi bawal ang anumang Kanyang ipinahintulot. Sanhi ang mga  ito kung bakit ang aming mga angkan ay naging salungat sa amin, siniil nila kami upang aming talikuran ang  aming  relihiyon at bumalik mula sa pagsamba sa Iisang Diyos patungo sa pagsamba sa mga idolo.Ito ang dahilan kung bakit kami ay naparito sa inyong bayan, pinili kayo higit sa mga iba pa, kami ay nasiyahan sa ilalim ng inyong proteksyon, at kami ay umaasa, O Mahal na Hari, na dito sa bayang ito sa piling ninyo, kami ay hindi daranas ng kasamaan.’

 

Ang kanyang (Ja’far) salaysay ay ipinaliwanag ng mga Tapagasalin, kung saan ang Hari ay nagtanong kung sila (mga Muslim) ba  ay may anumang rebelasyon ng kanilang Propeta na dala nila. Binigkas ni Ja’far ang sumusunod na mga talata sa Banal na Quran mula sa Kabanata na may pamagat na ‘Mariam’:  

 

“At alalahanin ang kasaysayan tungkol kay Mariam (Maria) sa Kasulatan, nang siya ay lumayo sa kanyang mga angkan patungo sa isang lugar sa silangan, at inilayo ang kanyang sarili mula sa kanila. Sinugo Namin sa kanya ang Aming Espirito (Anghel Gabriel o Jibril ), at siya (Anghel Jibril) ay napakita sa kanya sa anyo ng isang makisig na lalaki. Sinabi niya (Mariam), ‘ ako ay humihiling pananggalang mula sa Maawain laban sa iyo; (huwag kang lumapit sa akin) kung tunay na ikaw ay may takot sa Panginoon.’ Tugon niya (Anghel Jibril), ‘Ako ay hindi hihigit sa isang mensahero mula sa iyong Panginoon, (na nagbabalita ) para sa iyo tungkol sa isang dalisay na anak na lalaki.’ Sabi niya (Mariam), ‘Paano ako magkakaroon ng isang anak (na lalaki) gayong wala naming lalaki na nakagalaw sa akin,ni hindi ako isang masamang babae?’ Kanyang (Anghel Jibril) sinabi, ‘Magkagayunman; wika ng iyong Panginoon, “Ito ay isang bagay na madali para sa akin. At gagawin Namin siya bilang isang tanda para sa sangkatauhan at isang awa mula sa Amin. At ito ay naitakda na.” (Quran 19:16-21)

 

Ang pagbigkas ni Ja’far at ang tuloy-tuloy na pagsasalin ng kahulugan ng mga talatang ito ay nagpaluha sa mga mata ng Hari na nagsabing; ‘Ito ay tunay na dumating mula sa iisang pinagmulan ng anumang itinuro ni Hesus.’ Ipinagkaloob niya sa mga Muslim ang kanyang proteksyon, laban sa mga kahilingan ng mga Tribong Arabo. Subalit ang mga kaanib ng mga tribo,  bigo at galit na galit na sa kanilang mga plano at pagsasanib puwersa, ay desididong pag-alsahin ang Hari laban sa kanilang mga kaanak na naniniwala sa Kaisahan ng Diyos sa pamamagitan paglalahad ng pagkakaiba sa pagitan ng Krisitiyanismo  at Islam tungkol sa kalagayan ni Hesus. Muling tinipon ng Hari ang mga Muslim at nagtanong,

 

 ‘ Ano ang sinasabi ninyo tungkol kay Hesus, ang anak ni Maria?’  Tugon ni Ja’far,’Sinasabi naming tungkol sa kanya kung anuman ang itinuro ng aming Propeta, na siya ay lingcod ng Diyos at Kanyang Mensahero, at Kanyang Espirito at Salita na Kanyang ikinasi kay Maria, ang pinagpalang birhen.’