Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

Muhammad

Muhammad, Ang Propeta Ng Diyos (Allah).

 

Panimula

 

Si Muhammad, sumakanya ang kapayapaan ay ang pinakahuli at katapusang propeta ng Iisa at Tanging Makapangyarihang Diyos (Allah). Siya ay pinili ng Diyos upang ihatid sa sangkatauhan ang katapusang rebelasyon at mensahe ng pagsuko at pagpapasakop sa Makapangyarihang Diyos ( [Allah],[ ito ay ang Islam]). Siya ay hindi isang bagong propeta na may bagong relihiyon. Siya ang katapusang propeta ng gayunding mensahe  na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan  simula pa kay Adan at Eba. Ang mensaheng ito ay ang paniniwala sa dalisay o purong kaisahan ng Diyos na Makapangyarihan at ang pagpapasakop sa Kanyang ninanais bilang pagpapaalipin tanging sa Kanya (Allah) lamang. Ang relihiyon na ito ay kilala sa arabik na ‘Islam’. Ito rin ang mensahe na inihatid kay Noah, Abraham,Moises,at Hesus, sumakanilang lahat ang kapayapaan, subalit ang mga tagasunod nila at ng iba pang maraming Mga Propeta Ng Diyos ay nagkaiba-iba sa pag-unawa at ginawan nila ng katiwalian ang mga rebelasyon sa paglipas ng mga panahon.

 

1,426 taon  pagkamatay niya (Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan),mahigit isang bilyong tao ang nanangan sa kanya ng buong puso (1 sa 5 mga tao). Ang kanyang mensahe ay lumukob sa sangkapat na bahagi ng lupain sa daigdig. Kahit pa nga sa kaalamang ito, ang ibang 4 mula sa 5 tao ng daigdig ay mga walang kaalaman tungkol sa kanya. Kaagapay nito, maraming mga pinuno at mga paring nasusuklam ang nagpapalaganap ng pagkasuklam kay Propeta Muhammad,  sumakanya ang kapayapaan. Ito ay bunga ng dalawang katotohanan. Ang una ay bunga ng lahat ng mga anyo ng makabagong medya at may kinikilingang mga hindi muslim na mananalaysay na lubos na nagsikap  upang maipakilala ang Islam bilang isang bayolente at mapanganib na relihiyon. Ang ikalawang bunga nito, kahit pa sila ay nagsikap sa kanilang mga kabuktutan, ang Islam ay siyang relihiyon na pinakamabilis sa paglago o pagdami sa sa Estados Unidos, Englatera, at Pransiya sa 500 porsiyento sa huling 50 taon sa tiyak na mga bansang ito. Kung kaya nakikita natin ang isang uri ng  nabuong panibugho sa pamamagitan ng katotohanang ito.

 

Ang Kanyang Pamumuhay

 

Siya ay isinilang sa Makkah noong 570 C. E. (Common Era) sa Tribong Angkan ng mga Quraysh. Ang mga Quraysh ay ang pinakakilala sa mga tribo sa Arabia na siyang nagtangan sa pamumuno sa Makkah. Ang batang si Muhammad ay nagpakita ng kakaibang mga moralidad bilang isang batang makatotohanan at iginagalang na kung saan, ang mga kaanib ng iba’t-ibang mga tribo at naaanyayahan pa siya na siyang mamagitan sa kanilang mga hindi pagkakasundo. Siya sa katotohanan, ay binansagan na bilang ‘Al-Amin o Ang Matapat at Mapagkakatiwalaan’ kahit noong mga taong bago pa siya hirangin bilang propeta at sugo.

 

Siya ay pinangalagaan ng Diyos (Allah) laban sa mga kasamaan ng mga paraan ng pamumuhay ng mga arabo tulad ng pag-inom ng alak, pangangalunya, pagnanakaw, pagpatay, at iba pa. Nang sapitin na ng Propeta ang edad na 25, siya noon ay nagtatrabaho sa isang pinakanatatanging babae ng nagngangalang Khadijah na ang edad naman ay 40. Si Khadijah ay nakapag-asawa na at dalawang ulit na nabiyuda at siya ay kilala sa kanyang naiibang mga katangian kabilang ang pagiging intilihente, mabuting pag-uugali, kagandahan, at kayamanan mula pagiging isa niyang nagmamay-ari ng mga negosyo. Nagpadala siya (Khadijah) ng isang maghahayag sa kanya (Muhammad) tungkol sa paksa ng pag-aasawa. Ito ay kanyang (Muhammad) tinanggap at sila pagkalipas ng maikling panahon ay naikasal sa isa’t-isa. Sila ay naging mag-asawa sa loob ng 24 na taon hanggang sa dumating ang malungkot na balita nang si Khadijah “Ang Ina ng mga Mananampalataya” ay bawian ng buhay sa edad na 64.

 

Sa pagbabalik sa mga panahong iyon, ang tradisyon ng mga Arabo ay maraming mga anyo ng idolatriya, ang bawat tribo ay nag-aangkin ng kani-kanilang mga idolo na nasa loob at labas ng Ka’bah ( ito ay ang kauna-unahang gusali na itinayo para sa pagsamba sa Tunay at Iisang Diyos [Allah]). Subalit nakalulungkot na ang pagiging iisa ng Diyos (Allah) na siyang mensahe ni Propeta Abraham ay matagal na nanatiling tiwali at nakalimutan ng  mga liping kabilang sa pangkalahatang populasyon ng tangway o peninsula ng Arabia. Si Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan, magkagayunman ay hindi kailanman nakiisa sa mga tradisyon at kaugaliang idolatriya ng kanyang angkan. Siya ay nabahala sa istilo ng pamumuhay sa Makkah, ang pagsamba ng mga tao sa mga idolo, mga pamahiin, at pagkagumon sa makamundong pagnanasa at mga pag-aaliw. Sanhi ng kawalang ito ng kahinahunan, naging kaugalian na niya ang pag-iisa at pananatili sa mga malalapit na bundok ng Makkah upang makasumpong ng kapayapaan at katiwasayan ng isip. Kapag siya ay paparoon sa pag-iisa at pananatili sa mga bundok, ang mga bato at mga puno ay bumabati sa kanya ng “Assalamu Alaykum” o sumaiyo ang kapayapaan’. Napapalingon siya subalit wala siyang nakikita maliban sa mga bato at mga puno.

 

Nang sapitin na  niya ang ika-40 taong gulang, habang siya ay nasa isa sa kanyang mga pag-iisa at pananatili sa isa sa mga bundok na noon ay buwan ng Ramadan, napakita kay propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan ang Anghel na si Gabriel (Jibril) na siyang naghatid sa kanya (Muhammad) ng unang bahagi ng salita ng Diyos (Allah). Siya (Anghel) ay nagsabi sa kanya (Muhammad) ng isang salitang ang pagkakasalin ay “Basahin mo o Bumasa ka, o Bigkasin mo o Bumigkas ka” (Iqra’) at si Muhammad ay tumugon, “Hindi ako nakababasa”. Sa gayon ay ipinahayag sa kanya ni Anghel Gabriel ang unang limang mga talata ng Quran at inihayag niya (Anghel) na siya (Muhammad) ay ang Huli at Katapusang Mensahero ng Diyos (Allah) sa buong sangkatauhan.  “ Basahin Mo (O Muhammad) sa ngalan ng iyong Panginoon, na lumikha. Lumikha sa tao mula sa isang namumuong-dugo. Basahin Mo at ang iyong Panginoon ay ang mapagbigay. Na nagturo sa tao sa pamamagitan ng panulat. Nagturo sa tao sa mga bagay na hindi niya nalalaman.” (Quran 96:1-5)