Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

News

IKA-10  SYMPOSIUM PARA SA PAGSALUBONG SA BUWAN NG RAMADAN

IKA-10 SYMPOSIUM PARA SA PAGSALUBONG SA BUWAN NG RAMADAN

Sa Ikasampung pagkakataon, ang KPCCenter sa pamumuno ng butihing Direktor nito ay naglunsad ng isang 'Programang Symposium Para Sa Pagsalubong Sa Marangal at Pinagpalang Buwan ng Ramadan" ngayong taon na ito 2017 C.E. o 1438H. Ang nasabing programa ay ginanap noong ika-19 ng Mayo 2017 , araw ng Biyernes (Jum'ah) sa DIVVAN BALLROOM sa Dawliyah Complex sa Kuwait City na dinaluhan ng humigit kumulang sa 400 mga pilipino mula sa iba't-ibang tribo ng mga Muslim sa pilipinas at gayundin ng mga ibang lahi na may asawang mga pilipina
KPCCenter, Naglunsad Ng Isang Programa Para Sa Eid AL-Adha

KPCCenter, Naglunsad Ng Isang Programa Para Sa Eid AL-Adha

Bilang unang bahagi na sinimulan sa pamamagitan ng mga games at competitions tulad ng sack race, orange eating competition, food competition sa panig ng mga sisters at iba pa, ang KPCCenter sampu ng mga kawani nito at mga boluntaryong manggagawa ay nagsagawa ng isang maikling Programa para sa pagdiriwang ng Okasyon ng Eid AL-Ad'ha AL-Mubarak. Ang Programa ay ginanap sa Seaside Park, Shuwaikh, Kuwait City noong Huwebes, ika-24 ng Setyembre 2015, sa ganap na ika 8 hanggang ika-11:30 ng umaga.
Istiqbal Ramadan Symposium, Inilunsad Ng KPCCenter

Istiqbal Ramadan Symposium, Inilunsad Ng KPCCenter

Katulad ng nakaugalian mula ng itatag ang Kuwait Philippine Cultural Center noong May 15, 2006, ang center na nasa ilalim ng pagkalinga ng AL-Najat Charitable Society, sa pakikipagtulungan ng ibang mga grupo ng mga Pilipinong Muslim ay naglunsad ng Ika-7 Programang Syposium para sa pagsalubong sa Pinagpalang Buwan Ng Ramadan, ang ika-9 sa Kalendaryong Hijri, na dinaluhan ng mahigit sa 500 katao mula sa mga mamamayang pilipino, kabilang na ang mga hindi muslim, mga bagong napatnubayan sa Islam, at mga tribong Muslim mula sa Mindanao o bangsamoro. Dumalo rin sa programa ang ilan sa mga kawani ng Philippine Embassy sa Kuwait. Ang nasabing programa ay ginanap sa ASIA-ASIA RESTAURANT sa ALWATIYAH COMPLEX na nagsimula sa ganap na ika-5:30 ng hapon at ito ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas sa ilan sa mga talata ng Banal na Quran na ginampanan ni Ustadz Ismael Pigkaulan.
Ish-har Islam In KPCCenter

Ish-har Islam In KPCCenter

Bro. Eduardo C. Alzuelo ( Now Abdulhakim), a Marine Engineering Graduate, visited KPCCenter to acquire information about Islam. When i asked him why he is interested to know about Muslims' Religion, he informed me that he thinks it is easy for a person who is a follower of Islam to live a peaceful life and away from many vices that are harmful not only to Physical, Social but also to Spiritual aspects of life of man, ........
KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCENTER , NAGDIWANG NG EID AL-AD-HA ALMUBARAK Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh. Malamig ang hangin at katamtaman ang init ng sumisikat na Araw noong ika-15 ng Oktubre 2013, ang grupo ng mga Du'at at Da'iyat , kasama na ang mga boluntaryo na nagmula sa mga balik-islam o mga bagong napatnubayan sa Islam at sa ilalim ng pamamahala ng pamunuan ng KPCCenter ay naglunsad ng isang munting programa para sa selebrasyon ng EID AL-AD-HA AL-MUBARAK o ang Kapistahan ng Pag-aalay . Ang Programa ay masigla at masayang sinimulan sa pamamagitan ng mga kompetisyon o games tulad ng Sack Race, Banana at Apple Eating Contest, at iba pa. Nagkaroon din ng Food Competition at pagbunot sa mga Lucky Names. Nang matapos ang games, ang ikalawang bahagi ng programa ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas ng ilan sa mga talata ng banal na Quran na ginampanan ni Bro. Alvin Amin Baltazar at matapos ito ay nagbigay ng pambungad at welcome address ang EMCEE ng programa na si Bro. Muhammad Sumaway.
KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCENTER , NAGDIWANG NG EID AL-FITR ALMUBARAK SA RIGGAE BASKETBALL COURT Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh. Matapos ang Salatul Eid AL-Fitr, ang mga Muslim ay nagbabatian at nagdiriwang sa araw na ito bilang pagpapasalamat Kay Allah at pagsunod sa sunnah Ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan. Pagpapasalamat Kay Allah at pagdiriwang matapos ang isang buong buwan ng Ramadan ng pag-aayuno alang-alang Kay Allah. Kaugnay nito ang Balik-islam at Bangsamoro mula sa iba't-ibang larangan ay nakiisa sa Kuwait Philippine Cultural Center upang ipagdiwang ang Eid AL-Fitr AL-Mubarak at ito ay ginanap sa Riggae, Basketball Court.
Pangkulturang Pamamasyal Para Sa Mga Hindi Muslim

Pangkulturang Pamamasyal Para Sa Mga Hindi Muslim

Ang Kuwait Philippine Cultural Center (KPCCenter) ay nagsagawa ng isang pangkulturang pamamasyal Arab Organizations Headquarter para sa mga Pilipinong hindi muslim na ginanap noong ika-30 ng Disyembre 2013, araw ng Linggo. Ang nakiisang mga Pilipino ay nagmula sa kumpanyang KASCO at mga regular na dumadalo sa palarong basketball ng KPCCenter sa Riggae tuwing sabado. Ang pamamasyal ay sinimula ng 5:30 ng hapon na giniyahan ni Bro. Engr. Osama Wanas, isa sa mga kawani ng AOH at siyang nagpapaliwanag sa bawat lugar na aming dinadaanan sa loob mismo ng gusali.
KPCCenter 17th Commencement Execises

KPCCenter 17th Commencement Execises

Ang KPCCenter, sa panig ng mga kababaihan ay nagdaos noong B iyernes, ika-12 ng Oktubre 2012 ng ika-17 programang ng pagtatapos para sa mga mag-aaral nito sa iba't-ibang kurso. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng humigit kumulang sa 100 mga mag-aaral mula sa iba't-ibang mga kurso tulad ng Arabic Language, Quran Tajwid, Tafsir, Aqidah at iba pang kurso tulad ng Basic Massage Course.
KPCCenter Daily Iftar Program

KPCCenter Daily Iftar Program

Ang KPCCenter ay kasalukuyang naglulunsad ng programa para sa araw-araw na Ifar ngayong buong buwan ng Ramadan 1433 H. - 2012 na nagsimula noong Biyernes, ika-20 ng Hulyo 2012. Ang nasabing programa ay dinadaluhan ng iba't-ibang grupo mula sa mga Pilipinong Muslim. Simula sa ganap na ika-6 ng hapon, ang programa ay binubuksan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Khatirah ng bawat Da'iyah na nakatalaga sa bawat araw para sa pagsasagawa ng Iftar na kongregasyon.
SIMPOSIYUM: Pagsalubong Sa Ramadan 1433 H.

SIMPOSIYUM: Pagsalubong Sa Ramadan 1433 H.

Sinimulan sa pagbigkas ng ilan sa mga talata ng Banal Na Quran, naglunsad ang KPCCenter ng isang pampublikong simposiyum para sa pagsalubong sa Marangal Na Buwan Ng Ramadan 1433 H na ginanap noong Ika-13 ng Buwan Ng Hulyo, Biyernes sa ganap na ika-5 ng hapon hanggang ika-8:30 ng gabi. Isang welcome address at pagbati naman ang ibinigay ng Director ng KPCCenter na si Ustadz Khaled Abdullah AsSabea na nagsabing ang simposiyum na ito ay isa sa mga isinasagawa ng KPCCenter para sa pagtataguyod ng relasyon sa pagitan ng KPCCenter at ng iba pang mga pangkat o grupo ng mga Pilipino na naninirahan sa Kuwait. Ang Kagalang-galang na Ambasador ng Pilipinas sa Kuwait, His Excellency Ambassador Shulan Primavera ay nagpahayag din ng papuri at pagbati at nagbigay ng maikling panayam sa nasabing programa at kasama sa kanyang nabanggit ang on-time na pagsisimula ng programa at ang pagdalo sa pasimula na mga babae na higit na nakararami kaysa sa mga kalalakihan
KPCCenter: Muling Naglunsad ng Ika-16 Na Programa Ng Pagtatapos Ng Mga Mag-aaral Nito

KPCCenter: Muling Naglunsad ng Ika-16 Na Programa Ng Pagtatapos Ng Mga Mag-aaral Nito

Ginanap noong ika-13 sa Buwan Ng Abril sa Main Hall ng KPCCenter ang ika-16 na Programa para sa pagtatapos ng mga mag-aaral nito. Ang mga nagsipagtapos ng Islamic culture Studies at Arabic Language Course ay ang mga mag-aaral sa loob ng 4 na buwan mula noong November 2011 hanggang February 2012. Ang mga mag-aaral ay tumanggap ng mga Katibayan ng kanilang pagtatapos mula sa Tamhidi (Beginners) hanggang Level 2 para sa Islamic Culture Studies at Tamhidi (Beginners) hanggang Level 2 naman sa Arabic Language Course. Kabilang din sa mga nagsipagtapos ang tumanggap ng Katibayan para sa Kursong Aqidah 1 at Seerah 2.
Pag-usapan Po Natin Magazine

Pag-usapan Po Natin Magazine

Inilunsad ng Kuwait Philippine Cultural Center ang natatanging website (www.pag-usapan.com) para sa Pag-usapan Po Natin Magazine na naglalathala tungkol sa KPCCenter at ito ay sa wikang Pilipino na Tagalog sa temang buwanan. Ito ay upang maitangi at malawakang mailathala ang Magazine sa labas ng Kuwait. Sa pamamagitan nito ay nakumpleto ng Sentro ang Electonic Systems nito at ito ay matutunghayan sa dalawang wika, ang wikang Arabik at wikang Pilipino na Tagalog, gayundin ito ay mayroong pahina sa Facebook sa wikang Arabik kaagapay ng mga blogs na natatangi para sa mga Tagapag-anyaya ng Sentro at sa ang pinakahuli nga ay ang Website para sa Pag-usapan Po Natin Magazine. .
KPCCenter: 3rd Istiqbal Ramadan Symposium

KPCCenter: 3rd Istiqbal Ramadan Symposium

Naglunsad ang KPCCenter noong nakaraang Biyernes , August 6, 2010 mula 5pm hanggang 9:30pm ng 3rd Symposium para sa pagsalubong sa darating na buwan ng Ramadan. Ang Programa ay sinimulan sa pagbigkas ng ilan sa mga talata ng Banal na Qur'an na ginampanan ng isa sa mga Ustadz, si Ustadz Datu Ali Amil. Ito ay sinundan pagkatapos ng isang pambungad na pananalita at pagbibigay ng inspirasyon sa mga nagsidalo sa okasyon na ginampanan ng General Director ng KPCCenter, Ust. Khalid Abdullah ALSabea.
KPCCenter Graduation Program

KPCCenter Graduation Program

KPCCENTER: ISLAMIC CULTURE AND ARABIC LANGUAGE STUDENTS GRADUATION PROGRAM. Naglunsad ang KPCCenter noong July 30, 2010 Friday, ng isang Graduation Program para sa mga nagsipagtapos ng kanilang klase mula January hanggang April 2010. Ang nasabing Programa ay dinaluhan ng mga Opisyal ng KPCCenter sa pamumuno ng General Director nito na si Sheikh Khaled Abdullah AL-Sabea na siyang unang nagbigay ng pambungad na pananalita para sa mga nagsipagtapos ng LEVEL 1, LEVEL 2,LEVEL 3, at LEVEL 4 para sa Islamic Culture at BEGINNER at ADVANCED LEVEL naman sa Arabic Language Lesson.
AL-ISRA at AL-MIRAJ

AL-ISRA at AL-MIRAJ

Isa sa mga okasyon na ginugunita ng mga tagasunod ng Islam ay ang AL-ISRA' WAL MI'RAJ na tulad ng pagka-alam ng mga Muslim ay tumutukoy sa mahimalang Gabi ng Paglalakbay ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan, mula sa MASJID AL-HARAM sa Makkah, patungo sa MASJID AL-AQSA sa Palestina.
KPCCENTER, NAKIPAG-UGNAYAN SA TEAM NA NAG- CHAMPION SA KPCC CUP 2009 (Basketball)

KPCCENTER, NAKIPAG-UGNAYAN SA TEAM NA NAG- CHAMPION SA KPCC CUP 2009 (Basketball)

Nag-organisa ang Kuwait Philippine Cultural Center ng isang Entertainment Tour bilang pagpaparangal sa Team ng Basketball na nag-Champion sa kauna-unahang KPCC Cup ( Basketball ) na ginanap noong nakaraang taon (2009) at ito ay upang tiyakin ang pagpapatuloy ng komunikasyon sa kanila na kung saan, ang KPCCenter ay naglunsad ng isang Picnic Program sa isang Beach Resort sa Egaila.......
KUWAIT PHILIPPINE CULTURAL CENTER, NAGLULUNSAD NG LINGGUHANG AKTIBIDAD SA PHILIPPINE EMBASSY

KUWAIT PHILIPPINE CULTURAL CENTER, NAGLULUNSAD NG LINGGUHANG AKTIBIDAD SA PHILIPPINE EMBASSY

Flordie Naging  Fatima  Kuwait Philippine Cultural Center,  naglulunsad ng lingguhang Aktibidad sa Philippine Embassy.   Ipinakilala ng Punong Tagapamahala ng Kuwait Philippine Cultural Center (KPCCenter ), si Khaled ALSabea ang aktibong pananatili sa pakikipag-ugnayan ng Center sa mga Pilipino  at ang pagtatatag ng  mga  Lingguhang mga aktibidad sa ...