Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

IKA-10 SYMPOSIUM PARA SA PAGSALUBONG SA BUWAN NG RAMADAN

Sa Ikasampung pagkakataon, ang KPCCenter sa pamumuno ng butihing Direktor nito ay naglunsad ng isang 'Programang Symposium Para Sa Pagsalubong Sa Marangal at Pinagpalang Buwan ng Ramadan" ngayong taon na ito  2017 C.E.  o 1438H.

 

Ang nasabing programa ay ginanap noong ika-19 ng Mayo 2017 , araw ng Biyernes (Jum'ah) sa DIVVAN  BALLROOM sa Dawliyah Complex sa Kuwait City na dinaluhan ng humigit kumulang sa 400 mga pilipino mula sa iba't-ibang tribo ng mga Muslim sa pilipinas at gayundin ng mga ibang lahi na may asawang mga pilipina.

 

Ang Programa ay sinimulan sa pagbasa ng ilan sa mga talata ng Banal na Quran na ginampanan ni Ustadz Mojahid Gumander , isa sa mga Da'iyah o Tagapag-anyaya sa Islam na nagtapos ng Shari'ah sa AL-Az-har University sa Egypt na sinundan naman ng pambungad na pananalita ng bagong Direktor ng KPCCenter, na si Sheikh Fahad Muhammad AL-Shimary na nagpahayag ng paunang pasasalamat sa mga nagsidalo at  muling nag-anyaya sa lahat para sa mga darating na programa ng KPCCenter.

 

Ang sumunod na bilang ng programa ay isang pampasiglang pananalita ng butihin at kagalang-galang na Ambasador ng Pilipinas sa Kuwait na HON. Renato Pedro Villa na nagpahayag din ng pasasalamat sa Filipino Community sa pakikiisa sa ganitong mga programa kasama na ang pagbanggit sa mga programa ng KPCCenter  na ginaganap sa Embahada sa pakikipagtulungan ng POLO na isa sa mga Departamento ng Embahada dito sa Kuwait, at kung paanong ang mga programang ito ay patuloy na isinasagawa ng mga kawani ng KPCCenter simula ng ito ay itatag noong May 15, 2006 at hanggang sa kasalukuyan.

 

Sa pinaka-highlight ng programa, ang sumunod na bilang ay isang PANAYAM na umuugnay sa mga kabutihan ng Ramadan na ginampanan ng isa rin sa mga Daiyah ng IPC (Islam Presentation Committee) na nagtapos ng KOLEHIYO SA HADITH sa Islamic University sa MADINAH ALMUNAWWARAH sa Saudi Arabia sa katauhan ni Ustadz KHALED (Abu Muhammad) HANAFI  MERO.

 

Bilang pambasag sa pagiging seryoso ng programa , ang sumunod na bilang ay isang pampasiglang aktidiad para sa mga nagsidalo sa pamamagitan ng LUCKY NAME RAFFLE DRAW, na ginampanan ni Bro Muhammad Sumaway, Bro. Ahmad Yusuf Abaya , at Bro. Abdullah Tabing at iba pang mga volunteer na tumulong sa pag-aabot ng mga premyo sa mga pangalan ng nabunot.

 

Ang programa ay nagtapos sa pamamagitan ng isang panalangin na ginampanan ng ating butihing Ustadz na si Mohammad Al-Wahibie Tamama, isa rin sa mga Daiyah ng KPCCenter na nagtapos din ng Shari'ah sa Islamic University sa Madinah AL-Munawwarah sa Saudi Arabia. at kasunod nito bilang tuluyang pagtatapos ng programa ay isang sallo-salo ang naganap. Ang programa ay pinamunuan bilang EMCEE ng ating iginagalang na Ustadz  Abdullah Mustafa na nagtapos din sa AL_AZ-HAR University sa Egypt.

 

Muli, marami pong salamat sa mga nagsidalo at sana ay muli at muli ninyo kaming paunlakan sa susunod na taon para sa ganitong programa at sa ibang mga aktibidan ng KPCCenter na aming inilulunsad para sa kapakanan ng mga Filipino sa Kuwait , maslim man o hindi muslim. MARAMI PONG SALAMAT AT MALIGAYANG PAGSALUBONG SA BUWAN NG RAMADAN sa taon na ito.     


Date Added 13/6/2017 pagbisita sa pahina ng 520