Bilang unang bahagi na sinimulan sa pamamagitan ng mga games at competitions tulad ng sack race, orange eating competition, food competition sa panig ng mga sisters at iba pa, ang KPCCenter sampu ng mga kawani nito at mga boluntaryong manggagawa ay nagsagawa ng isang maikling Programa para sa pagdiriwang ng Okasyon ng Eid AL-Ad'ha AL-Mubarak. Ang Programa ay ginanap sa Seaside Park, Shuwaikh, Kuwait City noong Huwebes, ika-24 ng Setyembre 2015, sa ganap na ika 8 hanggang ika-11:30 ng umaga.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mahigit 150 katao mula sa mga iba't-ibang tribo ng mga Pilipinong Muslim at hindi Muslim. Matapos ang mga games at competitions na inabot ng ika-10 ng umaga, ang ikalawang bahagi ng programa ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas ng maikling kabanata mula sa banal na Quran na isinagawa ni Bro. Alvin "Amin" Baltazar. Matapos ito, ang EMCEE na si Bro. Muhammad Sumaway ay nagbigay ng maikling welcome address bilang pagtanggap at nagpauna ng pasasalamat sa mga nagsidalo sa nasabing programa.
Si Ustadz Mojahid Gumander, nagtapos ng Shari'ah sa AL-AZHAR University sa Egypt ay nagbahagi ng isang inspirational message sa lahat at ang kanyang mensahe ay tumalakay sa kahalagahan ng pagdiriwang mga islamikong okasyon na katulad ng Eid AL-Ad-ha at iba pa. Sinundan ang mensaheng ito ng pagpaparangal at pagkakaloob ng premyo para sa mga nagsipagwagi sa mga games at competitions na sinundan naman ng pagbunot at pagkakaloob ng regalo sa mga LUCKY NAMES ng mga nagsidalo sa pagdiriwang.
Natapos ang programa sa pamamagitan ng maikling pananalita at panalangin ni Ustadz Abdul Basheer, isa ring scholar na nagtapos naman dito sa Kuwait University. Nagkaroon din ng group picture takings at pagkatapos ay pinagsalu-saluhang lahat ang pananghalian na inihanda ng KPCCenter para sa mga pagtisipante ng nasabing Programa. WAL HAMDULILLAHI RABBIL ALAMIN…
MORE PICS Click Here