Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCENTER , NAGDIWANG NG  EID  AL-AD-HA  ALMUBARAK

 

Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh.

 

Malamig ang hangin at katamtaman ang init ng sumisikat na Araw noong ika-15 ng Oktubre 2013, ang grupo ng mga Du'at at Da'iyat , kasama na ang mga boluntaryo na nagmula sa mga balik-islam o mga bagong napatnubayan sa Islam at sa ilalim ng pamamahala ng pamunuan ng KPCCenter ay naglunsad ng isang munting programa para sa selebrasyon ng EID AL-AD-HA  AL-MUBARAK  o ang Kapistahan ng Pag-aalay . Ang Programa ay masigla at masayang sinimulan sa pamamagitan ng mga kompetisyon o games tulad ng Sack Race, Banana at Apple Eating Contest, at iba pa. Nagkaroon din ng Food Competition at pagbunot sa mga Lucky Names. Nang matapos ang games, ang ikalawang bahagi ng programa ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas ng ilan sa mga talata ng banal na Quran na ginampanan ni Bro. Alvin Amin Baltazar at matapos ito ay nagbigay ng pambungad at welcome address ang EMCEE ng programa na si Bro. Muhammad Sumaway. Isa sa mga Da'iyah at Ustadz ng IPC sa katauhan ni Ustadz Mojahid Gumander  na nagpaunlak sa  imbitasyon ng kpccenter management ay nagbahagi ng panayam at nagbigay ng mga mahahalagang aral na umuugnay sa nasabing okasyon. Ang panayam ay sinundan ng pagbibigay ng pabuya sa mga nanalo sa mga games at food competition.Kasunod nito ay isang simpleng tanghalian ang ipinamahagi sa mga nakiisa sa programa  at ito ay tinapos sa pamamagitan ng maikling pananalita ng pasasalamat mula sa EMCEE ng programa at muling pag-aanyaya sa mga nakiisa para sa mga darating mga aktibidad ng KPCCenter sa mga darating na arawm, buwan at taon.

 

Muling ipinaabot ng pamunuan  ng KPCCenter ang taus-pusong pasasalamat ng marami sa lahat ng mga nagsidalo sa programa at nawa y magpatuloy ang ganitong  mga aktibidad ng mga Pilipino sa Kuwait, muslim man o hindi at magsilbing daan ng Center para sa pagkakaisa sa kapatiran sa Islam at sa pagiging tao bilang nilikha ng Allah,ang Kataas-taasan.

 

At ang lahat ng papuri ay tanging Kay Allah lamang nararapat, at ang Biyaya at Awa ay makamit nawa ni Propeta Muhammad at ng kanyang mag-anak, ng kanyang mga kasamahan, at ng lahat ng sumusunod sa kanila sa kabutihan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Wa Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.


Date Added 11/11/2013 pagbisita sa pahina ng 3139