Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCENTER , NAGDIWANG  NG  EID  AL-FITR  ALMUBARAK SA RIGGAE BASKETBALL COURT

 

Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh.

 

Matapos ang Salatul Eid AL-Fitr, ang mga Muslim ay nagbabatian at nagdiriwang sa araw na ito bilang pagpapasalamat Kay Allah at pagsunod sa sunnah Ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan. Pagpapasalamat Kay Allah at pagdiriwang matapos ang isang buong buwan ng Ramadan ng pag-aayuno alang-alang Kay Allah.

 

Kaugnay nito ang Balik-islam at Bangsamoro mula sa iba't-ibang larangan ay nakiisa sa Kuwait Philippine Cultural Center upang ipagdiwang ang Eid AL-Fitr AL-Mubarak at ito ay ginanap sa Riggae, Basketball Court. 

 

Nagsimula ang unang bahagi ng programa sa pamamagitan ng mga games at kumpetisyon tulad ng sack race, eating and drinking contest , food competition at iba pa. Matapos ang mga games, ang ikalawang bahagi ng programa ay sinimulan sa pagbigkas ng ilan sa mga talata ng banal na Quran.

 

Matapos ang pagbigkas ng Quran, isa sa mga Da'iyah ng IPC mula sa main office nito na si Ustadz Mojahid Gumander ang nagbigay ng maikling panayam kaugnay ng pagdiriwang ng Eid AL-Fitr ayon sa islam. Ang programa ay nagpatuloy at ang mga sumusunod na bilang ay ay ang pagbunot sa mga Lucky names mula sa mga nagsidalo sa programa at gayundin ang pagbibigay ng premyo sa mga mapapalad na pangalang nabunot at sa mga nagwagi sa mga games at gayundin sa food competition.

 

Ang programa ay nagtapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangwakas na pananalita ni Ust. Muslimin Palami Bhirwar at pamimigay ng pananghalian sa mga nagsidalo.

 

Ang KPCCentter Management , sampu ng mga Daiyah nito ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa programang ito at muli silang  inaanyayahan sa mga darating pang programa na ilulunsad ng KPCCenter sa mga darating na panahon. Wa Sallillahu ala Nabiyyina Muhammad wa ala alihi wa sahbihi ajmain. Wa Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.

 

 HAPPY EID  AL-FITR – AL-MUBARAK ! ! !

 

 

 

 


Date Added 11/11/2013 pagbisita sa pahina ng 2821