Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

KPCCenter: Muling Naglunsad ng Ika-16 Na Programa Ng Pagtatapos Ng Mga Mag-aaral Nito

KPCCenter: Muling Naglunsad ng Ika-16 Na Programa Ng Pagtatapos Ng Mga Mag-aaral Nito

Ginanap noong ika-13 sa Buwan Ng Abril sa Main Hall ng KPCCenter ang ika-16 na Programa para sa pagtatapos ng mga mag-aaral nito. Ang mga nagsipagtapos ng Islamic culture Studies at Arabic Language Course ay ang mga mag-aaral sa loob ng 4 na buwan mula noong November 2011 hanggang February 2012. Ang mga mag-aaral ay tumanggap ng mga Katibayan ng kanilang pagtatapos mula sa Tamhidi (Beginners) hanggang Level 3 para sa Islamic Culture Studies at Tamhidi (Beginners) hanggang Level 2 naman para sa Arabic Language Course.  Kabilang din sa mga nagsipagtapos ang tumanggap ng Katibayan para sa Kursong Aqidah 1 at Seerah 2. Ang programa ay sinimulan sa pagdalit ng ilan sa mga talata ng Banal na Quran na ginampanan ng isa sa mga nagtapos ng Tajwid 1 sa KPCCenter na si Bro. Alvin Amin Baltazar na isa ring bagong napatnubayan Ni Allah sa Islam. Sumunod na nagbigay ng  inspirasyon sa mga  nagsipagtapos ang General Director ng KPCCenter na si Ustadz Khalid Abdullah ASSabea at siya ring nagpahayag ng pagkilala sa pagtatapos ng mga mag-aaral. Ang bilang ng mga nagsipagtapos sa pangkalahatan na tumanggap ng mga Katibayan ay umabot sa 55 katao kasama na ang mga nagsitanggap ng nataanging karangalan. Ipinakilala at pinatayo ang lahat ng mga mag-aaral matapos ang pagpapaliwanag ni Ust. Mohammad Alwahibie  Tamama sa  mensahe  General Director at kasunod nito ay kinilala ng tinanggap ng huli ang  pagtatapos ng mga mag-aaral. Isa-isang tinawag ang mga nagsipagtapos kasabay ang pagkakaloob sa kanila ng kani-kaniyang Katibayan ng Pagtatapos at munting regalo. Ang programa ay nagtapos sa pangwakas ng pananalita ng isa sa mga Da'iyah ng KPCCenter na na siya ring opisyal para sa pakikipag-ugnayan ng KPCCenter na  si Ustadz  Muslimin Palami Bhiruar . Matapos ito ay nagkaroon ng picture takings at kinumpleto ang programa ng isang munting salo-salo kasama na ang katuwaan ng mga nagsipagtapos at mga kawani ng KPCCenter. 

 

 


Date Added 29/4/2012 pagbisita sa pahina ng 3698

التعليق بواسطة eyoceya بتاريخ 17/3/2014

<a href=http://cialisbuycanada.org/>Buy Cialis Online Canada</a> <a href="http://cialis-20mg-buy.org/">20mg Cialis</a> http://viagraorderpills.com/