Pag-usapan Po Natin Magazine Album ng Mga Litrato Album ng Mga Litrato k Sound Library Media Library wikang Arabik wikang Filipino
Unang PahinaKPCCenter BalitaMga Programa Ng KPCCenterSound LibraryPagpapakilala sa KPCCenter
Sabihin sa isang kaibiganSite MapMakipag-ugnayan sa amin
Bعsite mapfacebook

 Free Books

Tagalog

Kuwait Only

Click Here

 

Mga Balita

KPCCenter, Naglunsad Ng Isang Programa Para Sa Eid AL-Adha

KPCCenter, Naglunsad Ng Isang Programa Para Sa Eid AL-Adha

Bilang unang bahagi na sinimulan sa pamamagitan ng mga games at competitions tulad ng sack race, orange eating competition, food competition sa panig ng mga sisters at iba pa, ang KPCCenter sampu ng mga kawani nito at mga boluntaryong manggagawa ay nagsagawa ng isang maikling Programa para sa pagdiriwang ng Okasyon ng Eid AL-Ad'ha AL-Mubarak. Ang Programa ay ginanap sa Seaside Park, Shuwaikh, Kuwait City noong Huwebes, ika-24 ng Setyembre 2015, sa ganap na ika 8 hanggang ika-11:30 ng umaga.
 
Istiqbal Ramadan Symposium, Inilunsad Ng KPCCenter

Istiqbal Ramadan Symposium, Inilunsad Ng KPCCenter

Katulad ng nakaugalian mula ng itatag ang Kuwait Philippine Cultural Center noong May 15, 2006, ang center na nasa ilalim ng pagkalinga ng AL-Najat Charitable Society, sa pakikipagtulungan ng ibang mga grupo ng mga Pilipinong Muslim ay naglunsad ng Ika-7 Programang Syposium para sa pagsalubong sa Pinagpalang Buwan Ng Ramadan, ang ika-9 sa Kalendaryong Hijri, na dinaluhan ng mahigit sa 500 katao mula sa mga mamamayang pilipino, kabilang na ang mga hindi muslim, mga bagong napatnubayan sa Islam, at mga tribong Muslim mula sa Mindanao o bangsamoro. Dumalo rin sa programa ang ilan sa mga kawani ng Philippine Embassy sa Kuwait. Ang nasabing programa ay ginanap sa ASIA-ASIA RESTAURANT sa ALWATIYAH COMPLEX na nagsimula sa ganap na ika-5:30 ng hapon at ito ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas sa ilan sa mga talata ng Banal na Quran na ginampanan ni Ustadz Ismael Pigkaulan.
 
Ish-har Islam In KPCCenter

Ish-har Islam In KPCCenter

Bro. Eduardo C. Alzuelo ( Now Abdulhakim), a Marine Engineering Graduate, visited KPCCenter to acquire information about Islam. When i asked him why he is interested to know about Muslims' Religion, he informed me that he thinks it is easy for a person who is a follower of Islam to live a peaceful life and away from many vices that are harmful not only to Physical, Social but also to Spiritual aspects of life of man, ........
 
KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCenter - Eid Al-Ad-ha AL-Mubarak

KPCCENTER , NAGDIWANG NG EID AL-AD-HA ALMUBARAK Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh. Malamig ang hangin at katamtaman ang init ng sumisikat na Araw noong ika-15 ng Oktubre 2013, ang grupo ng mga Du'at at Da'iyat , kasama na ang mga boluntaryo na nagmula sa mga balik-islam o mga bagong napatnubayan sa Islam at sa ilalim ng pamamahala ng pamunuan ng KPCCenter ay naglunsad ng isang munting programa para sa selebrasyon ng EID AL-AD-HA AL-MUBARAK o ang Kapistahan ng Pag-aalay . Ang Programa ay masigla at masayang sinimulan sa pamamagitan ng mga kompetisyon o games tulad ng Sack Race, Banana at Apple Eating Contest, at iba pa. Nagkaroon din ng Food Competition at pagbunot sa mga Lucky Names. Nang matapos ang games, ang ikalawang bahagi ng programa ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas ng ilan sa mga talata ng banal na Quran na ginampanan ni Bro. Alvin Amin Baltazar at matapos ito ay nagbigay ng pambungad at welcome address ang EMCEE ng programa na si Bro. Muhammad Sumaway.
 
KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCenter, Eid Al-Fitr Program

KPCCENTER , NAGDIWANG NG EID AL-FITR ALMUBARAK SA RIGGAE BASKETBALL COURT Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuh. Matapos ang Salatul Eid AL-Fitr, ang mga Muslim ay nagbabatian at nagdiriwang sa araw na ito bilang pagpapasalamat Kay Allah at pagsunod sa sunnah Ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan. Pagpapasalamat Kay Allah at pagdiriwang matapos ang isang buong buwan ng Ramadan ng pag-aayuno alang-alang Kay Allah. Kaugnay nito ang Balik-islam at Bangsamoro mula sa iba't-ibang larangan ay nakiisa sa Kuwait Philippine Cultural Center upang ipagdiwang ang Eid AL-Fitr AL-Mubarak at ito ay ginanap sa Riggae, Basketball Court.